Dahil sa wala din namang gagawain sa bahay si Belle, napagkasunduan nila ng kaibigang si Apol na mamasyal na lang ulit sa mall. Kaya't matapos ang kanilang pananghalian sa bahay ay nagpaalam na si Belle sa mga magulang at kapatid para maglibot. "Paano nga pala yan malapit na bakasyon, tuloy pa din trabaho mo kila sir?" si Apol "Oo. Ano ka ba naman, alam mo namang yaya din ako. Wala namang pinipiling panahon ang pagiging yaya, ke may pasok o wala, yaya ka pa din." si Belle "Maya na tayo meryenda ha. Nagugutom ka na ba?" tanong ni Belle kay Apol ng nadaan sila sa isang fastfood habang naglalakad lakad sa mall. "Hindi pa naman. Maya maya na lang. Taray ah, pa alok alok ka na ngayon. Dati kailangan ka pang pilitin." sagot ni Apol "Buo ko naman kasi nakukuha yung sweldo ko. Walang kaltas,