Humanga si Belle sa eskwelahang pinapasukan ng mga alaga niya. Maraming anak ng foreigner ang nag aaral dito, kundi man foreigner, sa tingin niya ay anak ng mga may kaya sa buhay. Sunod sunod ang mga de kotseng naghahatid sa mga anak nila. May ilan namang naka park na sa loob bagamat maliit ang parking ng paaralan kaya't ang iba ay sa gilid lang ng kalsada nakaparada. Malayong malayo kumpara sa dati niyang pinagtuturuang private school.
Dahil sa hindi pa siya kilala ng guwardiya ay sinita siya agad nito buti na lang at nandun pa ang driver ng service na sinakyan niya at sinabing siya ang bagong kasama ng mga bata.
"Where is your room here? " tanong ni Belle sa mga bata.
"Mama Belle that is my teacher." sagot agad ni Pieter. Napansin naman agad sila ng teacher na tinuro ni Pieter.
"Hello mam. Are you Ms. Belle?" tanong ng teacher na lumapit sa kanila.
"Yes mam." sagot ni Belle
"I'm teacher Ingrid, teacher of Pieter. Mr. Barkman called me yesterday about you. Come, i'm going to show you Pieter's room for you to know where he'll be tomorrow." sabi ng teacher
"Okey teacher. But how about Fritz." tanong ni Belle
"Mama Belle, i know where my room is." sagot ni Fritz
"Ah okey. I go there later ha. I talk to your teacher." sabi ni Belle kay Fritz na bumitaw na sa kanya at naglakad na papunta sa room nito.
Pagkaturo kay Belle ng teacher ang room ni Pieter ay tumambay na siya sa parents' waiting area.
Pansin ni Belle ay halos puro yaya ang naghihintay duon, kung hindi yaya eh lola. Sinadya niyang hindi dumikit sa mga ito para hindi siya mapagkamalang yaya. Pakiramdam niya ay free time niya yun at makakapag bukas na siya ng cellphone lalo na ng f*******: niya.
Napansin agad niyang marami na pala siyang messages sa messenger at halos lahat ay galing sa boyfriend niyang si Jasper.
"Musta ka na bhe."
"Wala ako load hindi kita matawagan"
"Paramdam ka naman"
"ui."
"bhe"
"?"
Hindi pa sinasabi ni Belle sa boyfriend niya ang trabaho niyang pinasukan. Nais niyang sabihin ito kapag nagkita na sila ng personal. Rereplyan na sana niya ito ng may dalawang babaeng lumapit sa kanya.
"Hello. Ngayon ka lang namin nakita dito.” batk agad ng dalawang babae na nakatayo sa harapan niya.
"Ah he-hello. Oo bago lang ako." sagot naman ni Belle
"Anong grade ba alaga mo?" tanong ng isa
"Isang toddler saka isang kinder." sagot ni Belle
"Ah yung apo ni Aling Lucia.? Yung tatay eh pogi?" tanong naman ng isa na kinikilig pa.
"Oo. S-sila Fritz saka Pieter." sagot niya
"Nakahanap na pala ng yaya si Aling Lucia. Taga saan ka? Nagtatanong kasi samin si Aling Lucia kung may kakilala kami eh nakahanap na pala siya." sabi ng isang babae
"Punyeta. Pag untugin ko kaya tong dalawang to. Mukha ba ko talagang yaya." sabi niya sa sarili niya
"Ah hi-hindi ako yaya. Guardian ako ng mga bata?" depensang sagot ni Belle
"Pwedeng makiupo?" tanong ng iaang babae
Hindi naman pwedeng tanggihan ni Belle dahil hindi naman kanya ang upuang yun.
"S-sige, okey lang." sagot niya.
"Ah hindi ka pala yaya. Kamag anak mo ba sila?" usisa na naman ng isang babae
"H-hindi. Trabaho ko lang bale ang pag ga guardian." sagot ni Belle
"Si ate naman niloloko pa kami. De parehas din tayo ng trabaho. Yaya o guardian parang pareho lang. Maganda lang pakinggan yung sayo." natatawang sabi ng isang babae
"Sali ka sa group chat naming mga yaya. Naku masaya. Minsan nga napagkekwentuhan namin yung amo mong lalaki. Hihihi. Sali ka na. Tapos kwento ka naman tungkol kay sir. hihihi." parang kinikiliti pa ang isang babae habang sinasabi yun
"M-marami kong trabaho sa bahay eh baka hindi ko maasikaso pagcha chat." katwiran ni Belle
"Ah all around ka ba? Akala namin yaya ka lang. Pero maganda kang katulong ha." sabi ng isa
Napipikon na si Belle sa dalawang babae. Nahimasmasan lang siya ng sinabihan siyang maganda ng mga ito.
"H-hindi ako katulong mag tu tutor pa kasi ko pag uwi namin. Teacher din kasi ko." mahinahong sagot ni Belle
"Ay ganun ba. Naku sorry. mam ka din pala." sabi ng isa
"Naku kakahiya naman Mam." sunod na sinabi naman ng kasama nito
Nakaramdam naman ng kumpiyansa si Belle ng humingi ng dispensa ang dalawang babae.
"Ay wala yun. Okey lang." sagot ni Belle sabay tingin sa phone niya para makita ng dalawang babae na may pinagkakaabalahan siya.
"Sige po mam. Pasensya na po ulit." paalam ng isa
"Sinabihan mo pa kasing maganda eh" sabi ng babaeng kasama nito
Narinig ni Belle yun. Tatawagin pa sana niya ang mga ito pero naalala niyang guardian nga pala siya at hindi yaya kaya inayos niya ang pagkakaupo niya at hinayaan na ang dalawang babaeng nakalayo na.
"Bhe magkita na lang tayo sa Monday. Yun lang kasi day off ko. Miss you bhe. love you." reply ni Belle kay Jasper.
Nabalik sa isipan ni Belle ang sinabi ng dalawang babae tungkol kay Clifford.
Pati pala mga yaya sa eskwelahang yun ay pinagpapantasyahan ang amo niya sa loob loob niya. Sino ba namang anak ni Eba ang hindi kasi malalaglag ang panty sa tikas at gwapo ni Clifford. Produkto ba naman ng isang foreigner at isang pinoy, matangkad pa, maganda pa ang katawan at ang mukha... parang nililok ng isang dalubhasang iskultur. Buti na lang at hindi kumuha ng mukha sa Mama niyang mukhang kontrabida, si Ms. Minchin yata ang kamukha sa isip isip niya.
Nangingiti ngiti si Belle sa kanyang iniisip ng mapansin niya ang isang umpukan ng mga yaya na nagkakasiyahan. Pero napuna niyang tumitingin tingin pa sa kanya ang iba saka magtatawanan. Napansin din niya ang dalawang babaeng kausap niya kanina.
"Ano kaya kinuwento ng dalawang anak ng gremlins na yun sa mga yun?"naiinis na tanong ni Belle sa sarili niya.
Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Kasabay nuon ay nakita niya si teacher Ingrid na kumakaway na sa kanya at akay na nito si Pieter.
"Isang oras nga lang pala ang klase ni Pieter." sa loob loob niya.
"How's you class?" salubong ni Belle sa bata
Hindi naman sumagot si Pieter at nagpaalam na si Belle sa teacher nito.
Muli na naman niyang nakita ang umpukan ng mga yaya at lola at napansin niyang tinitingnan pa siya ng mga ito. Inihampas na lang niya ang mahaba niyang buhok pagbawi ng tingin niya sa mga ito.
Nasa loob na sila ng school service ng may kumausap na naman sa kanya na kasusundo lang din ng estudyante.
"Kaklase pala nitong anak ko yang alaga mo."bungad ng babae
"May mommy din pala na sumusundo sa anak niya" sabi ni Belle sa sarili
"Ay ganun po ba." magalang niyang sagot sa babaeng mukhang edukada
"Alam mo, kakwentuhan ko dati ang Mommy niyan. Yung kuya pa lang niya ang pumapasok. Kaklase naman nung isa kong anak. Ang bait ng mommy niyan saka ang ganda. Sayang nga eh ang agang kinuha ." kwento ng babae
"Siya po mismo ang sumusundo kay Fritz?" tanong ni Belle
"Oo. Kaya nga pinagtitinginan dito ang mommy ng mga yan. Model kasi ang mommy niyan. Sexy saka matangkad. Hindi mo nga sasabihin na may anak na eh." sagot ng babae
Tumango tango lang si Belle.
"Wala pa bang nililigawan ang Daddy niyan? Sabagay, wala pang one year namamatay si Steph." patuloy ng babae
"Mayaman mga yan. Simple lang kumilos. Si Steph kasi tagapagmana yun. Nag iisang anak lang. Kaya naisalin na sa kanya yung pangalan ng yaman ng pamilya. So automatic, kay Clifford na mapupunta yun dahil mag asawa sila." dagdag pa na kwento ng babae
"Kaya swerte ng mapapangasawa ulit ni Clifford." pahabol pa ng babae
Hindi talaga nahalata ni Belle na mayaman sila Clifford dahil hindi naman ganun kalaki ang bahay nito gaya ng sa mayayaman talaga. At hindi din pang mayaman ang subdivision na kinatatayuan ng bahay nito.
"Ay mauna na kami. Dito na kami. Baby say bye to Pieter." paalam ng babae kasama ang anak niyang kaklase ni Pieter
"Sige po." sagot naman ni Belle sa babae
Pagkauwe ng bahay ay pinalitan na niya agad ng damit pambahay si Pieter.
"Manang ano pong pagkain ni Pieter?" tanong ni Belle kay Manang na nass kusina
"Hoy Belle, pumunta ka dito para malaman mo. Tawag tawag ka pa diyan. Para ka namang pagod na pagod sa ginawa mo eh sumundo ka lang ng bata. Alam mong hindi ako napapahinga tapos pati pagkain ng bata sakin mo pa itatanong eh trabaho mo ngang asikasuhin ang mga bata. Ano ba namang pagdating mo eh tumingin ka sa mesa o kaya buksan mo yung o tanungin mo yung bata kung ano yung gusto. Hindi yung akala mo kung sino ka dyan na ang lakas lakas pa ng boses mo." walang patid na pagkakasabi ni Manang Lucing
"Manang... kapiraso lang po yung sinabi ko. Eh inarmalite nyo naman ako. Kung bala yang lumabas sa bibig nyo tiyak na buong katawan ko eh butas butas." sagot ni Belle
"Maawaing poon, bakit ganyan ka sumagot sa nakakatanda sa yo. Kabago bago mo dito ganyan ka na makasagot. Teka masabi nga kay Mam Lucia yang ugali mo." sabi ni Manang Lucing
Apurang lumapit si Belle kay Manang Lucing na papunta na sana sa kwarto ni Lucia.
"Manang naman, binibiro ka lang eh. Masyado po pala kayong maramdamin. Timpla din kita ng juice manang ha. Alam na alam ko namang pagod na pagod ka." sabi ni Belle na nasa gawing likod ni Manang Lucing at minamasa-masahe nito ang balikat ng kasambahay.
"Ah. Sarap mo pala magmasahe." sabi ni Manang Lucing
Humila pa ng isang upuan si Manang Lucing galing sa round table.
"Sige ituloy mo nga yan Belle.. Ibaba mo pa ng konti. Ayan ayan.. Parang may lamig ako diyan sa likod eh." si Manang Lucing na napapapikit pa
Sinadyang diniinan ni Belle ang pagmasahe kay Manang Lucing ng nakita niyang nasasarapan ito sa banayad na masahe.
"Ar-aray... aray.. Belle.. Bakit para ka namang nagmamasa ng harina niyan. Aray ko." daing ni Manag Lucing
"Masakit po ba ha? Mga lamig po yan?" sabi ni Belle na nakamunyangot ang mukha at gigil na gigil sa ginagawa
"Mama Belle i'm hungry." sigaw ni Pieter
"Ay Belle si Pieter. Unahin mo muna. Aray.. aray." sabi ni Manang Lucing habang minamasahe pa din ni Belle
"Teka lang po. Dami pang lamig oh. um.. um.. um.. " gigil na diin ni Belle
"Araaay.." sigaw ni Manang Lucing
"O bakit po Manang?" kunwaring tanong ni Belle
"Masakit eh. Lamig ba yun?" sabi ni Manang Lucing na nalukot ang mukha sa sakit
"Hindi po. Init ng ulo ko yun." bulong na sagot ni Belle
"Ha? Ano yun?" tanong ni Manang Lucing
"A-ano po. Oo lamig po yun. Saka ang init po kasi sa labas. Teka asikasuhin ko muna si Pieter." nangingising sabi ni Belle