Chapter 3

1630 Words
Lihim na kinausap ni Belle ang kanyang Nanay upang Ipaliwanag ang uri ng trabaho na papasukan niya at kung paano niya nakilala ang taong kumukuha sa kanya. Isinikreto niya ito dahil alam niyang may kadaldalan ang mga kapatid niya. "Ade yaya ka nga."sambit agad ng Nanay ni Belle matapos niyang magpaliwanag "Hindi kita pinalaki at pinagtapos ng teacher para maging yaya lang. Halos magka kulani na kilikili ko kahahalo ng mga ulam araw araw para lang maka graduate ka tapos yan ang babagsakan mo. Saan ka naman nakakitang tutor pero walang uwian. Ano yan? Shifting ang tuturuan mo?"patuloy ng Nanay niya "Maria Bellisima, pasok ka ng pasok sa ganyan baka mamaya bigyan mo kami ng problema diyan ha. Hindi mo pa agad kilala yung tao umoo ka agad." Sabi ng Nanay ni Belle na may halong pangangaral sa anak. "Nay kaya nga po ako pupunta bukas para po makita ko yung sinasabi ni sir at makilala ko yung mga tao pang makakasama ko sa bahay." pangangatwiran ni Belle "Samahan kaya kita diyan ha." Nanay pa din niya "Diyos ko Nay. Baka akala naman dun eh magpapa enroll ako at may kasama pa kong Nanay. Tanda ko na Nay. Kering keri ko sarili ko." sagot naman ni Belle "Okey bahala ka. Matanda ka na. Uuwe ka pa naman di ba bukas."  "Opo." "Di ba makukuha mo na downpayment. Isingit mo naman ako ng rejuvenating saka likas papaya na din." "Samahan ko na ng sunblock Nay.  Placenta cream gusto nyo din?" sagot ni Belle "Naku hindi ko hiyang yun. Okey na yung sinabi ko." Hinaplos pa sa braso si Belle ng kanyang Nanay pagkasabi nun. "Sige po." sagot ni Belle Maaga pa lang kinabukasan ay tinext na ni Belle si Clifford sa direksyon ng bahay ng huli at madali namang natagpuan ito ni Belle sa tulong na din ng pinaghabilinang guard ng subdivision ni Clifford. Nakaantabay na si Manang Lucing sa labas ng bahay upang hintayin ang pagdating ni Belle. Simpleng blouse at maong na fit lang ang suot ni Belle ng tumungo sa bahay ni Clifford. "Ikaw ba si Belle?" bungad na tanong ni Manang Lucing "Opo." sagot ni Belle "Pasok ka. Hinihintay ka na ni sir." anyaya ni Manang Lucing Pagpasok ng sala ni Belle ay nadatnan na niyang nakaupo sa sofa si Clifford na naka sando lang at boxer shorts. Tumayo ito ng makita siya. Nakuha agad ang atensiyon ni Belle ng mga malalaki't balbon na hita ni Clifford at ang mga braso nitong namumutok sa masel. Napalunok agad siya pagkakita dito. "Oh Belle come in. Upo ka. Hindi ka ba nahirapang hanapin to?" bungad na tanong ni Clifford "H-hindi naman po sir." pilit nagpapaka pormal na sagot ni Belle "So this is our home, yung sumalubong sa yo that is Manang Lucing. Tulog pa yung mga bata eh mamaya pa gising nun, nasanay ng ganun kasi after lunch naman ang pasok nila one to four pm." si Clifford na bumalik na sa pagkakaupo Hindi na naman naiwasan ni Belle na mapatingin sa pagitan ng hita ni Clifford nung umupo ito. Napansin niya na tila malaki ang itinatago nito. Naalala niya ang boyfriend niya na wala naman siyang nakikitang bumubukol na ganun. "Klipord may bisita daw tayo sabi ni Manang."  ang mama ni Clifford na galing sa kusina "Ay Ma, eto na po yung sinasabi ko senyo si Belle po." pakilala ni Clifford kay Belle "Good morning po." bati agad ni Belle "Asa man nimo nahibal-an kana?" si Mama Lucia "Ma, siya yung sinasabi ko na naghahanap ng trabaho sakto namang nakilala ko?" sagot ni Clifford Hindi man naiintindihan ni Belle ang sinabi ng Mama ni Clifford pero alam niyang tungkol sa kanya ang tinatanong nito. "Tingali sa ulahi kana nga miyembro sa budul budul?" tanong ulit ng Mama ni Clifford "Tangnang matanda to ah. Pinagkamalan pa yata akong budul budul gang." sabi sa sarili ni Belle "Ma naman. She has the credentials and she's a graduate of bachelors degree."sagot ni Clifford. Bahagyang sumulyap si Clifford kay Belle. Iniisip nito na baka naiintindihan ang sinasabi ng Mama niya at parang nahihiya ito sa pagkakatingin kay Belle. "Magsugod sa pagtrabaho sa kini aron ako maka-book pag-usab." mataray pa ding turan ni Mama Lucia "Sige ma. Starting tomorrow. Belle pwede ka na bukas di ba?" sagot ni Clifford sa ina at bumaling kay Belle kapagdaka " S-sige po sir. So magdadala na po ako sir ng mga gamit at damit ko?" si Belle "Yeah. Sure. Saka gaya ng pinag usapan natin, Mama will guide you first. Any concerns, just ask Mama." sagot ni Clifford "Kinahanglan nimo nga ibalik dinhi ang barangay clearance dinhi." si Mama Lucia "Sige Ma I'll tell her." sagot ni Clifford "Mama." si Fritz na kagigising lang. Ang anak ni Clifford na panganay. "Oh prits. Wer is Piter? Still sleep?" bati naman ng Mama ni Clifford "Yes Mama. Mama, natatae ko." sabi ng bata Parang nakahinga ng bahagya si Belle ng marinig ang bata na nag tagalog. Sa itsura nitong blonde ang buhok at mamula mula ang maputing kutis at foreigner ang dating, hindi mo aakalain na marunong itong magtagalog. "Iwan ko muna kayo." paalam ni Lucia sa dalawa "Marunong namang palang gumalang." sabi ulit ni Belle sa sarili "Ah belle, that's Fritz. So as you see, nagpapasama pa sa CR yung mga yan lalo na yung isa. Saka Belle, please bring at least barangay clearance tomorrow just for reference, you know." Alam ni Belle na ang Mama ni Clifford ang nagpapadala sa kanya ng clearance dahil kahit papano ay naintindihan niya ang sinabi nito. "Okey po sir no problem." sagot ni Belle "Manang Lucing paglabas mo nga ng meryenda si Belle." "Naku Belle i'm sorry i forgot." baling ni Clifford kay Belle "Okey lang po sir.  Manang wag na po. Kumain po ako bago umalis." sagot ni Belle "Are you sure?" si Clifford "Yes sir." si Belle "Okey so paano baka hindi mo na ko datnan tomorrow, maaga kasi alis ko. Habilin na lang kita kay Manang Lucing at kay Mama." si Clifford na tumayo na sa kinauupuan "Sige po sir." sagot ni Belle at tumayo na din siya. "May shuttle nga pala diyan na dumadaan palabas ng subdivision. Ten pesos lang ang bayad." pahabol ni Clifford habang ihahatid si Belle palabas ng bahay Akmang ibubukas na ni Belle ang pinto para tuluyan ng lumabas ng bigla siyang nagpreno ng lakad kaya't napahinto din si Clifford na nasa likod niya. Pero bago pa nakahinto si Clifford ay nabunggo na niya ang puwitan ni Belle. Kahit naka maong si Belle ay hindi naman makapal ang tela nito, kaya't damang dama ng puwitan niya ang kanina lang ay tinitingnan niyang nakabukol kay Clifford. "Ay sorry po sir!" tumingin pa si Belle sa ibaba pagharap niya kay Clifford "Yes? May sasabihin ka pa?" tanong ni Clifford na hindi naman niya binigyang pansin ang pagkakabunggo kay Belle "Sir di ba sabi nyo magbibigay na kayo ng advance?" nahihiya pero lakas loob ng sinabi ni Belle "Ah. Yes, I'm sorry. Wait." paalam ni Clifford. Hindi naman lumayo ito at may dinampot lang  na sobre sa gilid ng divider ng sala at dining set. "Actually, i prepared this earlier. Nalimutan ko lang. Sorry." sabi ni Clifford "No problem sir. Thank you po ulit." paalam ni Belle at muli pa niyang sinulyapan ang bagay na bumunggo sa kanya bago siya tuluyang dumiretso ng gate para lumabas. Nang nakasakay na si Belle ng shuttle ay sinilip agad niya ang laman ng sobre at kinilig kilig pa siya. "My God, i'm twenty thousand richer. Ten thousand lang iiwan ko kay Nanay. Tapos bigyan ko ng tig 300 yung tatlo at 500 si Tatay. Okey na yun. Bibili na ko ng mga gamit ko ngayon. hihihi." sabi ni Belle sa sarili "Apolonia, tara na magkape na tayo." bungad ni Belle sa kaibigan ng tawagan niya ito. "Ay taray, nakakuha ka na agad. Sige saan tayo?" tanong ni Apol "Diyan na lang sa SM North para salubong tayo." sagot ni Belle sa kaibigan na manggagaling sa Caloocan "Okey sige. Bye na. Magbibihis na ko." sabi ni Apol Halos sabay na dumating ang magkaibigan sa kanilang tagpuan. Sinamahan muna ni Apol si Belle na mamili ng mga personal na gamit nito para sa magiging trabaho ng kaibigan. Matapos ay dumiretso na sila sa Starbucks. "Nasabi mo na ba jowa mo yang bago mong trabaho?" si Apol matapos humigop ng kape "Baka mamaya ko na lang itext. Pupunta pa  ko sa barangay hall kukuha ko barangay clearance." sagot ni Belle "May ganun pa talaga?" tanong ni Apol "Mukhang impakta yung Nanay ni Sir eh. Parang masungit. Pero okey na din yun kesa paghinalaan akong budul budul. Saka aalis na din yun nitong week na to. Babalik na ng Cebu."sagot ni Belle "Ade bongga, yung chimi a-a na lang pala kasama mo sa bahay. Mukha ka ng misis ng tahanan nun." sabi ni Apol "Ay alam mo ba Apol, dyusku laglag ang tuka mo kung nakita mo si sir kanina. Buti na lang malakas ang self control ko. Gusto ko ng himatayin tapos sa kanya ko papasapo. Hooooh." nananabik na kwento ni Belle "Eh bakit naman? OA naman neto." si Apol "Inggiterang to. Imagine ha,di ba ang pogi na ni sir. Jusku yummy pa ang katawan atcheng. At eto ha... feeling ko daks si sir."pangangaya ni Belle kay Apol "Hoy nakipag usap ka lang dun. Pano mo naman nasabing daks aber?" may interes sa tono ni Apol "Kilala mo ba si Felix Bakat, saka na feel ko basta." kinikilig kilig pa si Belle sa pagkukuwento "Baka naman itlogan lang yun. Ikaw noh, hindi yung trabaho isipin mo at kung anu ano yang napapansin mo." si Apol "Eto naman, parang hindi ka na excited sa kuwento ko. w****y na nga lang tayo magkikita ganyan ka pa sa 'kin." may tampo pero biro ang salita ni Belle "O sige balik tayo sa kuwentong daks." biro ni Apol at sabay nagkatawanan ang magkaibigan. Kinagabihan ay inayos na ni Belle ang mga dadalhin niyang mga gamit pati na ang pinapadala sa kanyang barangay clearance. Nagdala na din siya ng mga materyales sa oras ng kanyang pagtu tutor. Isang bagay ang nakalimutan niyang itanong kay Clifford, kung may kontrata ba ang pagtatrabaho niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD