Sinadya ni Belle na gumising kinaumagahan para makita pa niya si Dwayne at makapagpaalam ito sa kanya bago umalis. Naging mas masigla ang bawat araw ni Belle dahil nakakasiguro na siya na mahal talaga siya ni Dwayne. Naging libangan niya si Dwelle sa tuwing makakatapos siya sa mga gawain niya. Halos hindi na sila nagkikita ng amo niyang si Clifford ng mga sumunod na araw. Gabi na kung dumating ito at maaga naman kung umalis. Bagama't tapos na ang show nito, alam niyang lagi itong nakikipagkita kay Kelly. "Belle, ikaw muna bahala sa mga bata ha. Tatawag ako from time to time. Sa kwarto ka muna matulog para may kasamahan ang mga anak ko." habilin ni Clifford nang gabi bago sila umalis ni Kelly papuntang hongkong. "Sige po sir." tanging sagot ni Belle. Nasanay na ang mga bata na laging