Napag isip-isip ni Belle na tigilan na niya ang pag-iilusyon sa kanyang amo dahil alam naman niyang wala din namang kapupuntahan 'yun. Isa pa, hindi patas dahil may boyfriend na siya. Alam ni Belle na malayo ang agwat nila ni Clifford, sa pisikal na itsura at sa estado ng pamumuhay. Hindi siya naniniwala sa mala-cinderella na love story. Pero naniniwala siya kapag matandang foreigner na mayaman ay nakapag asawa ng hindi kagandahan na Pilipino, marami na siyang nakitang ganoon. Pero pinoy sa pinoy, kailangan mayaman ka para mayaman mapangasawa mo. Kailangang maganda ka, para gwapo mapangasawa mo. Kung suswertehin ka, kahit hindi ka mayaman, basta maganda ka, pwede kang makapag-asawa ng mayaman na, gwapo pa. Ihanda mo nga lang ang sarili mo sa pamilya ng mapapangasawa mo. Kaya't nakuntent