Muling pinuntahan ni Dwayne si Belle ng alam nitong tulog na ang mga pamangkin niya. Hindi naman nagpapilit si Belle at sumama na itong naligo. Si Manang naman ay tumulong sa kusina ng hotel. Kasalukuyan namang naglalakad-lakad ulit sila Clifford at Kelly sa dalampasigan. "Ang lamig pala ng tubig 'pag gabi Dwayne." ng ilusong ni Belle ang kanyang mga paa. "Hindi kasi ganyan." sabi ni Dwayne. Tumakbo si Dwayne mula dalampasigan hanggang sa dagat hanggang makarating ito sa hanggang bewang niya na lalim. "Ganun gawin mo Belle. Para hindi mo maramdaman ang lamig. Sige umahon ka ulit tapos lumayo ka." si Dwayne. Sinunod naman ni Belle ang sinabi ni Dwayne. Mula sa malayo ay tumakbo siga papuntang dagat. "Woooooooh." sigaw ni Belle habang tumatakbo. Sinalubong naman agad siya ni Dwayne pag