Napansin ni Belle na bagong paligo na si Clifford. Nagsuot na lang ito ng maluwag na puting sando at beach shorts habang hinihintay ang wardrobe at make-up artist. "Dun tayo sa cottage Belle. Let's go kids." yaya ni Clifford matapos makitang hugasan ni Belle ang mga kamay ng mga bata. "Pababa na sila. Naliligo na lang yata 'yung iba. Dito ka muna habang hinihintay ko sila." sabi ni Clifford habang papunta sila ng cottage na ilang hakbang ang distansya mula sa recieving area ng bahay at ng resort. "Makikita ko na sir si Ms. Kelly?" may gulat at kaunting kaba na naramdaman si Belle. May halo na ding pananabik dahil makikita na niya ito ng personal. Pagkatanong ni Belle ay saktong napatingin si Clifford sa papadating na si Kelly pero hindi pa sila nito natatanaw. "Kelly over here." tawag