Agad na inimulat ni Anne ang kaniyang mga mata. Kinuha niya ang cellphone nito na nakalagay sa table sa gilid ng kaniyang kama. “Ang bilis naman kung tumakbo ang oras.” ani nito sa sarili. Agad itong tumayo’t nagtungo sa kusina upang tignan kung ano ang makakain na nakahain rito. Pahakbang pa lang ang dalaga patungo sa sala ay agad na niyang natanaw ang dalawang lalaki na nakaupo sa corner seat nila dahilan upang mapapigil ito sa paghakbang pababa sa sala. “What are you doing here? ” gulat na wika nito sa mag-ama. Nakabihis si Luke habang nakatingin sa dalaga habang ang daddy naman nito’y nakangiting nakatingin sa dalaga. “Nagpumilit silang pumasok rito sa bahay kaya pinatuloy ko na.” agad na napalingon si Anne sa bandang kanan nang marinig ang boses ng kaniyang mommy. “So? Ano ang