Natigilan sa paguusap ang binata at ang mommy ng dalaga nang biglang mamataan ng dalawa si Anne na bumababa sa hagdanan. “Sa kusina muna ako.” pagpaalam pa nito sa binata. Naiwang nakaupo si Luke sa sofa. Nakatuon lang ang tingin nito sa dalaga na papalapit sa kanya ngayon. Nagpatuloy sa paghakbang ang dalaga hanggang sa lumagpas ito sa binata. Agad namang hinawakan ni Luke ang kamay ng dalaga tsaka niya ito hinila dahilan upang mapaupo ito sa tabi ng binata. “Ano ang pinaguusapan ninyo?” tanong nito sa binata. Nakangiting nakaharap ang binata sa harap. “Something important.” tipid na wika nito. Napahawak na lang ito nang sapakin ng dalaga ang kaniyang balikat. “Ano nga! ” “You really want to know?” wika pa nito. Dahan dahang inilapit ni Luke ang kaniyang mukha sa mukha ng dalag