Dala-dala ngayon ng dalaga ang proyektong pinagawa sa kanya ng binata. Ang Research Paper nito. “Good Morning Anne.” bungad pa ng isang babae sa dalaga. Isang buwan siyang naging Personal Assistant ni Luke at sa loob ng isang buwan na iyon ay maraming nagbabago sa buhay niya. Naging kilala na siya sa Campus, sa mga VIP Students at iba pang mga tao na malapit sa binata. “Hoooooy!” napalingon sa likod ang dalaga nang marinig ang hiyaw na alam niyang kay Luke ang boses na iyon. Marahan itong humarap sa binata habang ang mukha nito’y walang kabuhay-buhay. “O! Ang pinagawa mo sa’kin.” abot pa niya ng isang white folder na kung saan doon naglalaman ang mga artikulo na kanyang ginawa para sa binata. “Thanks, akala ko bukas mo pa ito ibibigay sa’kin.” at saka tinanggap ni Luke ang White Fol