Walang kibo habang nakaupo si Anne sa tabi ng binata. Nakatutok ang atensiyon nito sa guro na nagtuturo sa harap. Biglang nagpalingon sa gilid si Anne nang kalabitin ito ni Luke. Napakunot noo ito nang makita ang isang papel na inabot sa kanya ng binata. Nang makuha niya ito, agad na lumabas ang binata sa silid na animo’y walang gurong nagtuturo sa harap nito. Napakunot noo si Anne habang binabasa ang nakasulat sa papel. Follow me on the private C.R. Agad na tiniklop ng dalaga ang papel at saka inilagay sa bulsa ng polo nito. Hindi niya alam kung ano ang sadya nito sa kanya. Maraang nagtaas kamay si Anne sa guro nito upang magpaalam na lumabas muna saglit. Nang pinayagan ito na lumabas ay kaagad na itong lumabas sa silid at tinahak ang hallway patungong comfort room. Bagamat kaunt