NATAPOS na rin kaming magtinda. Halos nagtriple lalo ang benta namin dahil nagkaroon na kami ng shake, plus nag-combo na rin kami na 'Sip ʼn Fries' iyong may shake na at may fries pa sa ibabaw na nagkakahalaga lamang na thirty-five pesos. Halos iyon ang binili ng mga bata sa amin. “Ate Kathleen, wala na po tayong mango powder at chocolate powder para sa shake natin.” Napataas ang tingin ko kay Francis nang sabihin niya iyon. Siya kasi ang nagche-check sa mga stock namin. “Ililista ko na lamang dito. Ayan yata ang mabili, ano? Gawin na nating dalawang kilo ang chocolate at mango powder. Iyong buko pandan at iba pang flavor, may stock pa ba tayo?” pagtatanong ko sa kanya. Naglilista na kasi ako ng mga bibilhin namin. Nakabili na rin pala ako nang maliit na refrigerator para sa mga panind

