LUMALALIM na ang gabi at napaupo kami ni daddy Leif sa isang bench na mayro'n dito, habang hawak ang binili naming pagkain, snack lamang ito. Isang pretzel na malaki. Katatapos lamang namin pumila roon sa Super Viking. Grabe, parang lumabas ang aking kaluluwa sa katawan ko. Akala ko kakayanin ko iyon dahil mas nakakatakot ang drop tower, iyon ang sinakyan namin bago ang Super Viking pero nagkamali ako. Mas nakakatakot ang Super Viking. Hindi na kami uulit. Muntik ko na rin ilabas ang mga kinain ko kanina. “Baby, after mong kumain iyan, need na natin pumila para sa Sky Eye, ha? Hahaba na panigurado ang pila roon, lalo naʼt dumidilim na.” sabi sa akin ni daddy Leif at tumango ako sa kanya. “Okay po, daddy Leif! Uubusin ko lamang po ito!” ani ko at tinaas ang pretzel na binili namin. Su