ILANG araw na ang nakakalipas nang matapos ang birthday party ni Grandma Susana. Pero, hindi ko pa rin natatanong si daddy Leif kung may kasama ba siya that time habang may ginagawa kaming milagro. Hindi ko maitanong dahil unang-una ay nahihiya ako sa kanya, baka sabihin niya sa akin ay hindi pa ba siya sapat para paligayahin ako? At, pangalawa ay baka guni-guni ko lamang iyon dahil sa antok at pagod ko. Kaya hindi ko na lamang siya tinanong about doon. Speaking of daddy Leif ay naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone sa suot kong belt bag, sobrang lakas ng vibration nu'n kaya kinuha ko agad. Hindi pa naman luto ang squidball at fries na order ng isang customer namin. Nakita ko ang pangalan ni daddy Leif, tama nga ang hula ko na siya iyon, nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya.

