NANONOOD kami ngayon sa living room ng isang movie, movie ito nina daddy Lennox and ni Lennore, sinubukan niyang mag-artista ng i-busted siya ni Professor Monterey. Wala raw siyang gusto para kay Lennore at nakikita niya lamang sa kanya ay biglang kapatid na babae. Sobrang pighati ni Lennore that time, iyong tipong walang kinakausap at nakakulong lamang sa k'warto niya. Sobrang naawa kami sa kanya. Kaya nang lumabas siya after ng dalawang linggo ay sinabi niyang mag-a-artista na raw siya. At, heto ang first movie niya with her Kuya Lennox, magkapatid sila sa story at umiikot ang story kay Lennore at doon kay Ranze. “Ate Kathleen! Nandito po kami ni ate Lennore para bisitahin ang tatlong pamangkin namin na sina Kruz, Kai and Keo!” Sabay kaming nagkatitigan ni Aling Ida — siya ang biniga

