NAKABALIK na rin ako sa 8th floor at pinapanalangin ko naman na wala na rito si Lennox. Oo, crush ko siya, pero kinakabahan ako kapag kaharap ko na siya. Hindi ko alam pero bigla na lamang kumakabog nang malakas ang dibdib ko. Iyong tipong gusto nang lumabas kapag nakikita ko siya. Ganoʼn ang aking pakiramdam. Kumakabog na naman ang aking dibdib habang palapit sa office ni daddy Leif. “Sana talaga wala na si Lennox, sana talaga.” Piping dalangin ko habang palapit na nang palapit, hanggang nandito na nga ako sa tapat ng pinto. Nakita ko nga si Sir Carl na nagta-trabaho na, gusto kong magtanong sa kanya kung lumabas na ba si Lennox, pero nahihiya ako dahil mukhang busy siya ngayon dahil hindi na naman maalis ang tingin niya sa laptop. Kaya iniwas ko na lamang ang tingin ko roon at kumato

