Nakatayo at nakatitig ako sa bintana habang nakatanglaw ng umaga na iyon sa langit, maraming tanong ang nasa isip. Sabay kaming nakatulog noong umaga, may ngiti sa labi at masayang magkayakap matapos pagsaluhan ang umagang kay sarap. Ngunit sa aking pag gising, tanging unan at kumot na lang ang aking kapiling.Wala akong sagot na makapa sa aking sarili. Hindi ko alam saan ako mangangapa sa araw araw. Ilan linggo pa lamang na hindi ko ito nakikita, pero isang taon na ang katumbas. Hindi maiwasan ni Nica na mapahagulgol, ramdam niya ang sakit at maraming tanong na gusto niyang masagot. Hindi niya inaakala na pag gising niya ng gabi wala na ang binata, ni paalam, ni hoy wala siyang marinig mula kay Jake at kung saan ba ito lupalop naandoon. At tila bula na lang nawala. Sinubukan niyang tawag