"Itsura ka ng basura, hindi mo pa kayang itabi ang sarili mo sa mga taong may kaya. Hindi ka nababagay sa mga ganitong lugar." paulit ulit niyang nariring sa kabilang tenga ang sinabi nang babaeng hindi naman niya kilala. Hindi siya maka paniwala sa nangyare, ngayon lamang niya nakita ang babaeng iyon pero nagawa na siyang pagsalitaan ng masasakit na salita at hinayaan lamang niya. Na iling na lamang siya habang inaayos ang kama. Pakiramdam niya na pagod na pagod siya sa pamamasyal, kung tutuusin buong tagaytay na yata eh, napuntahan nila ni Jake. Nakalimutan niya ang pang uuyam ng babaeng iniwan siya ng masasakit na salita nung namasyal sila pero ng makarating sa bahay muli niya iyon pumasok sa isipan niya. Nagawa din niyang isekro iyon kay Jake ayaw niyang bigyan ito nang problema, a