KUSANG napalingon ang dalawang mata ko kay Jake. Pinagkatitigan iyon, habang ang itsura nito'y tila na naka inom ng suka dahilan nagbago ang itsura nito at namutla. Segundo lang at inabot na nito ang tubig. Kinuha ko naman iyon ng padabog na kulang na lamang tumapon ang tubig lahat sa paghablot. Ramdam nito namumuo 'kong galit kaya umupo ito sa tabi ko. Pasimple akong dumusog palayo dito. Nagngingit ngit ako sa narinig, nangangati ang dila ko na gustong magtanong. Kung kaya't hindi ako naka pagpigil binasag ko ang katahimikan namin tatlo. Pero hindi ko inaasahang uunahan ako ni Jake. "Maha—." pero inagaw ko. "So, nag punta pala si Jake dito noong nakaraan araw Julieta?" pilit kina kalma ang pagtatanong ng humarap ako sa ex nito. "Maha—." ulit nito pero nagsalita ulit ako at hindi