"BUMABA KANA mahal ko.." Mababang tono na utos nito sa kaniya. Nasa harapan na sila ng bahay ng magsalita ito. "Gusto 'kong maayos itong problema natin. Ayokong magtagal pa ito. Kung puwedeng kalimutan lahat ng nagyare ngayon week na 'to, gawin natin please. Mahal na mahal kita at alam mo 'yan, ramdam 'kong ikaw 'yung pinaka importante sa 'kin ngayon. Oo may mga mali akong nagawa, pinipilit 'kong iwasan minsan pero sila 'yung lumalapit sa akin. Ang hirap pigilan pero pinipilit ko. Pero tao lang ako kaya naandito ako para maayus ang lahat. Nangangako ako na huli na ito, at sana maniwala ka rin sa Akin para lalong tumibay ang pag sasama natin mahal ko.." humarap siya sa binata ng pumiyok ito. Wala na ang luha nito bakas na pinunasan nito ngunit may natira na nagmula sa pilik mata nito.