SINASALUDSOD ng mga paa ni Tami ang basang buhangin sa tabing dagat nang umagang iyon. Hibas nang mga sandaling iyon kaya naman malayo ang kinaroroonan ng mismong tubig dagat kung saan siya naroon nang mga sandaling iyon. “Tami!” sigaw ni KG buhat sa may dalampasigan. Awtomatiko ang ngiting sumilay sa kaniyang labi nang matanawan ang kaniyang asawa na kumakaway sa kaniya sa hindi kalayuan. Nakasuot lang siya nang two-piece swimsuits na kulay pula nang umagang iyon. Nang magpaaraw kasi silang mag-asawa kaninang sunrise ay ganoon ang suot niya para maarawan ang buong katawan niya. Gumanti siya ng kaway sa kaniyang asawa bago naglakad palapit sa kinaroroonan nito. Nagluto ito ng kanilang almusal kaya hindi niya ito kasama sa may dagat. Sinamahan naman niya ito sa kusina kanina. Hindi nga