TINABIHAN ni Tami ng upo sa may hagdanan ng pool ang bunso niyang anak na si Jamil nang makita niya ito roon na mag-isang nakaupo habang nilalaro ng mga paa nito ang tubig doon. Inilubog din niya sa tubig ang kaniyang mga paa. “Bakit narito ka?” tanong niya rito. Ang yaya naman nito na nagbabantay rito ay sandali munang lumayo sa kanila nang senyasan niya na pumasok muna sa loob ng bahay at kakausapin niya si Jamil. Sinulyapan siya nito. Pagkuwan ay muling ibinalik ang atensiyon sa mga paa nito na nakalubog sa may tubig. “Hindi po kasi ako isinasali nina Kuya Ken at Kuya Azriel sa laro nila.” “Kaya ka ba narito?” Tumango ito. “Opo.” “Bakit hindi ka makipaglaro kay Kuya Geo mo?” “Eh, kasi po kasali rin nila si Kuya Geo. Maliit pa raw po ako kaya sila lang muna ang maglalaro.” “Ganoon