‘Wag mong pababayaan ‘yong sarili mo, ha? Iingatan ko rin ‘yong sarili ko, katulad ng pag-aalaga ko noong nag-aaral pa ako sa Harvard. Hubby, mahal na mahal kita. Hanggang sa muli… Lalo lang kinumpirma ng liham na iyon na talagang umalis ang asawa niya. Matapos ng masasaya nilang sandali nitong mga nakalipas na araw. Ganito naman ang kapalit. Parang lalong piniga ang kaniyang puso. Tila nananadya pa ang mga alaalang binuo nila ni Tami sa isla na bumalik sa kaniyang isipan. Bagay na lalong nagpabalong ng luha sa kaniyang mga mata. What now? Paano ba siya magsisimula uli kung wala iyong taong gusto niya na nariyan lang sa kaniyang tabi? Pero sino siya para pigilan ang kaniyang asawa sa gusto nito? Hindi niya makakalimutan kung paanong isinantabi ni Tami ang pangarap nito noon para

