Gumanti siya ng pisil sa kamay nito bago roon bumitaw. “Mag-focus ka sa pagda-drive,” aniya rito. Sa halip na ituon ang tingin sa bintana sa may gilid niya ay itinuon niya iyon sa may unahan. It’s been two years simula nang huli siyang tumuntong sa lugar na iyon. At ang paligid ay nagdudulot ng kakaibang nostalgia sa kaniya. Lalo na nang pumasok na sila sa Valle Encantado Village. Ngunit ngayon na magkasama sila ni KG, alaala pa sa nakalipas na walong taon ang bumabalik sa isipan niya. Her teenage years. Kung saan kakakilala pa lang niya kay KG. Her teenage self na lihim lang na humahanga sa lalaking katabi niya ngayon, pero heto ito ngayon, asawa na niya. May pigil na ngiti na sumilay sa kaniyang labi nang sandaling sulyapan si KG. Binalikan man niya ang pangarap niya noon, pinatunayan

