“Ayaw ni Lola Amanda na umiiyak ka,” ani KG na matapos palisin ang luha sa pisngi niya ay niyakap naman siya. Bahagya pa nitong hinagod-hagod ang kaniyang likuran. Huminga siya nang malalim at sinikap na awatin ang luhang nagtatangka na namang lumabas sa kaniyang mga mata. “I miss her,” aniya na nakagat pa ang ibabang-labi. “A-akala ko, mahaharap ko na si Lola Amanda na may luwag sa dibdib kasi ikaw ‘yong nasa tabi ko ngayon. Pero, bumalik pa rin ‘yong bigat nang makita ko siya ulit dito. Hindi ganito ‘yong,” napalunok siya nang humapding lalo ang lalamunan niya. “‘Yong inaasahan ko na muli naming pagkikita.” “I know. At naiintindihan kita. Kahit ako, hindi ganito ‘yong gusto ko na muli naming pagkikita na magkasama tayo.” Mataman niyang pinagmasdan ang abuela habang nakasandig ang pisn

