Napatawa siya sa sinagot nito sa kaniyang tanong. “Mister, ‘wag mong sabihin na nahihiligan mo na rin ang mga telenobela sa TV?” Pinisil nito ang baba niya. “Dahil alam mong sa iyo lang ako, kaya hindi ka man lang kikilos na ilayo ako sa iba.” “Tried and tested na hindi ka maaagaw sa akin ng iba,” nangingiti niyang wika. Ngunit mayamaya ay napalis ang ngiti niya sa labi. “What’s wrong?” pansin ni KG sa pagbabago ng ekspresiyon ng kaniyang mukha na kanina lang ay masaya. Huminga muna siya nang malalim bago umayos ng upo paharap kay KG. “I-I want to talk something,” aniya kapagkuwan. Pakiramdam niya ay ito na rin ang tamang panahon para usisain ang bagay na iyon mula rito. “Ano ‘yon?” “Nangangako ka ba na pawang katotohanan lang ang isasagot mo sa mga tanong ko? It’s been years, pero m

