Chapter 82-2

722 Words

Isinandal ni KG ang likod sa sofa. Bahagya itong tumingala at pumikit. Pagkuwan ay hinilot-hilot ang pagitan ng mga mata nito. Mukhang kino-kontrol ang luha na huwag pumatak. Suminghot na naman ito. Hinawakan ni Tami ang isa nitong kamay. Si Amara naman ay bumaba sa sahig at naglakad palayo. Mukhang binibigyan sila ng oras na makapag-usap pa. “Hubby, ngayon ka pa ba manghihinayang?” mas naluluha niyang tanong. Hindi nakaligtas sa kaniya ang bahagya nitong pagkagat sa ibabang-labi. Gumanti ng hawak sa kaniyang kamay si KG. “I-if I can turn back time, I will,” anito sa tila ba nahihirapang tinig. Ang luha nitong pinipigilang pumatak ay naglandas pa rin sa gilid ng pisngi nito kahit na nakapikit pa rin ito. Parang tinutusok ng aspili ang puso niya sa nakikitang emosyon kay KG. Umisod siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD