Chapter 47-3

1054 Words

Nang makarating sa master bedroom ay kumuha lang siya nang damit pantulog sa may walk-in closet bago muling nagkulong sa banyo. Kung maaari nga lamang ay doon na rin siya matulog ay gagawin niya. Isang oras yata ang itinagal ni Tami sa loob ng banyo para sikaping kalmahin ang sarili bago nagawa roong lumabas. Iniiwas niya ang tingin nang makita si KG sa kama na nakahiga na. Nakapagbihis na rin ito ng pantulog. Nakapikit na rin ito. Walang imik na nahiga siya patalikod kay KG, nasa may bandang gilid siya ng kama na medyo malayo rito. Nagmulat si KG nang mga mata nang maramdaman ang paghiga niya roon. “Bakit ang layo mo?” tanong pa nito sa kaniya. Hindi siya nagsalita at pumikit na lamang. Hindi na naman nangulit pa si KG. Mukhang nakakaramdam ito sa bigla niyang panlalamig dito.    

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD