“A-ah. Noong hapon po, natatandaan ko po na tumawag ang kapatid niya sa telepono. Bago po niya sagutin ‘yong tawag ay pumunta siya sa may pool area at doon nakipag-usap. Inalok pa nga po namin si Ma’am Tami na kumain muna kasi hindi pa po kumakain. Pero tubig lang po ang ininom niya. Mukha po siyang kagagaling lang sa pag-iyak. Pugto po kasi ang mga mata niya noong bumaba siya sa kusina. At… at ‘yon nga po, noong sinagot niya ‘yong tawag ng kapatid niya, hindi na po siya umalis sa may gilid ng pool. Kahit noong umulan na po. Nagagalit po si Ma’am kapag inaaya na naming pumasok sa loob. O kahit ang payungan siya. Iyak lang po siya nang iyak doon,” nakagat nito ang ibabang-labi bago nagyuko ng ulo. “M-maghapon po siyang nakaupo lang sa may tabi ng swimming pool habang malakas ang ulan.” Hin

