Best seller pasta nang restaurant na iyon ang in-order nito. Um-order din ito ng pizza. Tinanggal na niya sa ulo ang suot na sumbrelo. “Masamang kumain na may suot nito,” aniya na ipinakita pa rito ang sumbrelo bago iyon inilapag sa tabi niya. “Okay,” anito na inayos lang ang suot na salamin sa mata at hindi iyon tinanggal. Hindi tuloy alam ni Tami kung tinititigan na siya nito o ano? Nang sulyapan niyang muli si KG ay sigurado siya na nasa kaniya ang atensiyon nito dahil sa kaniya nakapaling ang guwapo nitong mukha. “Hindi ka ba naiilang na kasama ako?” untag niya rito. Umiling ito. “Hindi,” walang gatol na sagot agad nito. “Kumportable ako na kasama ka.” Sa narinig ay animo may nag-awitang mga anghel sa paligid. Binalot na naman ng kilig ang buo niyang katawan. Bagay na hindi niya

