“Ako ‘yong gusto mong makita?” “Mayroon pa bang iba?” Nilabanan niya ang kaba sa dibdib nang pumihit siya paharap kay KG. Umatras pa siya para mas makita nito ang kaniyang kabuuan. Sinikap din niya na salubungin ang tingin nito. “Ngayong nakita mo na kung ano ang hitsura ko na nakaayos ng ganito, happy now? Puwede mo na akong iwan.” Mataman siya nitong pinagmasdan. Hayon na naman ang mga titig nito na animo tinutunaw siya. At kung makatitig ito, para bang kay ganda-ganda niya lalo. Sinikap niyang tumayo ng tuwid at labanan ang panlalambot ng mga tuhod. Hindi siya puwedeng lumugmok na lang basta roon. Gumuhit ang ngiti sa labi nito habang nakatitig pa rin sa kaniya. “You’re naturally beautiful, Tami. At ‘yong ngayon na nakikita ko na ayos mo, seriously, hindi kita agad nakilala kung hi

