Chapter 22-4

1127 Words

Bago maghiwalay sina Marie at Tami nang araw na iyon ay niyakap pa niya nang mahigpit ang kaniyang kaibigan. Paalis ang pamilya nito bukas kaya nasisiguro niya na matatagalan na ulit kung magkikita silang dalawa. “Thank you, Marie. Mami-miss kita,” aniya sa kaibigan habang yakap-yakap ito. “Tami,” reklamo nito. “Ano ka ba? Para namang hindi na tayo magkikita kung makapagsalita ka riyan.” Sinikap niya ang ngumiti. “Basta mag-ingat ka palagi, ha?” Tumango si Marie. “Oo. At ikaw rin.” Nang tawagin na ito ng kuya nito ay napilitan na silang magkalas. “Pupuntahan na lang kita ‘pag nakauwi na kami. Mag-stroll tayo sa village.” Nahihirapan siyang tumango. Dahil alam niyang hindi na mangyayari iyon. Pinigilan niya ang luha na kumuwala sa kaniyang mga mata. “Sige na. Tawag ka na ng kuya mo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD