Nakasuot na lang ito ng t-shirt na kulay gray at short na yari sa cotton na kulay itim. “KG,” aniya na bahagya pang nahabol ang paghinga dahil sa gulat. “Bakit hindi ka pa natutulog?” sita niya rito. “Tami, sa tingin mo talaga ay makakatulog ako sa may sofa? Lampas na lampas ang mga binti ko roon. Nahihirapan akong tumuwid.” Bumuntong-hininga ito. “Hindi ka ba naaawa sa akin?” pangongonsensiya pa nito sa kaniya. “Sinabi ko naman sa iyo na mag-stay ka na lang sa isang hotel. Kahit gumulong-gulong ka pa sa laki ng kama roon ay walang problema.” “No need,” anito na wala ng paalam pa na pumasok sa silid niya. “Okay na itong kama mo.” Maang na nasundan ni Tami nang tingin si KG nang hayunin nito ang kaniyang kama at mahiga roon. “Much better,” anito na ngumiti pa nang balingan siya. Naii

