“Hindi ka kumportable sa akin?” Nagbaba siya ng tingin. “Should I make you comfortable with my presence?” patuloy nito. Napalunok siya dahil tila may iba pa itong nais ipahiwatig sa sinabi nitong iyon. “J-just leave.” “If I don’t want too? And still choose to stay with you?” Hindi siya agad nakapagsalita. Pero bakit? Iyon ang malaking tanong sa kaniyang isipan. Bakit mas gusto nitong manatili roon kasama siya? Para saan? “Bakit ginagawa mo ‘to?” hindi niya napigilang itanong. “Tami, I’ve been waiting for this chance.” Bakas ang pagkalito sa kaniyang magandang mukha nang tingnan ito. “What do you mean? “Dahil ito pa lang ‘yong pagkakataon na puwede kang lapitan.” Lalo siyang nalito. Dahil ba nasa tamang edad na siya? Ipinilig niya ang ulo. Imposibleng hinintay nito ang pagkakataon

