MASAYANG naglalaro sina Kennedy at Geo sa may salas, sa bahay ng mga magulang ni Tami, nang mga sandaling iyon. Kalaro ng mga ito ang Lolo Geoffredo ng mga ito. Mga nagbubuo ng blocks sa carpeted floor. Doon muna sila hanggang mamayang gabi. Dadaanan sila roon ng kaniyang asawa na si KG pag-uwi nito galing sa trabaho. Doon din muna sila magdi-dinner bago tuluyang umuwi. Katulad ng kanilang nakasanayan. Napatingin silang lahat sa may main door nang makarinig ng ugong ng sasakyan na kahihinto lamang. May dumating. At pumasok pa mismo sa kanilang garahe. “Sino’ng dumating?” takang tanong ng kaniyang ama sa kanilang kasambahay. “Sir, si Ma’am Shantal po.” Ang akmang pagbawi ni Tami ng tingin ay hindi natuloy. Sa halip ay muli siyang tumingin sa may main door nang marinig ang pangalan ng b