“Anak ng may-ari ng kompanyang ito ang kausap ng asawa mo,” bahagya pa nitong bulong sa kaniya. Tumango-tango na lang siya. “Puwede mo bang ibigay sa akin ang address ni Marie sa abroad?” pakiusap pa niya rito. “Hindi ko memoryado, Tami. Maybe next time, I’ll give you her address and contact number. Or, you can call me para makuha ‘yon,” anito na dinukot ang wallet at doon ay naglabas ng calling card nito. Ibinigay nito iyon sa kaniya na tinanggap naman niya. “Call me.” Tumango siya. Pagkuwan ay nginitian ito. “I will,” pangako niya rito. Gusto na niyang kumustahin ang nag-iisang tao na malapit sa kaniya sa lugar nilang iyon. “Thank you.” Itinabi na niya ang calling card sa dala niyang purse. Saktong katatabi lang niya sa calling card nang makarinig ng tikhim. Nang mag-angat siya ng tin

