Chapter 38-2

709 Words

Naupo si Tami sa may gilid ng swimming pool. Hinayaan niyang nakalubog lang ang mga paa niya sa may tubig. “Ma’am Tami, may kailangan pa po ba kayo?” tanong pa sa kaniya ng kawaksi na naghatid sa kaniya nang maiinom. Nginitian niya ito. “Thank you. Makikisuyo po ng cordless phone. May tatawagan lang po ako,” aniya rito na agad namang tumalima. Habang naghihintay ay tumingin siya sa kalangitan. Animo kinakalma ng kulay kahel na kalangitan ang kaniyang pakiramdam. Magkasama sila ni KG sa iisang bahay, ngunit ramdam na ramdam pa rin niya ang pag-iisa. At kapag ganoong solo lang siya at walang tao sa paligid, doon na lumalabas ang totoong Tami. Ang Tami na durog na durog na. Diyos lang ang nakakakita sa ganoong side niya. Dahil ayaw niyang ipakita sa ibang tao kung gaano talaga siya kahina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD