Matapos kumain ay sumaglit pa ulit si KG sa silid nito. Si Tami naman ay naiwan sa dining dahil kumakain pa siya ng kaniyang dessert. Nagsasalin ang kawaksi ng tubig sa baso ni Tami nang bumalik pa si KG sa dining. “Akala ko umalis ka na,” aniya nang balingan ito. “Paalis pa lang,” ani KG na lumapit kay Tami. “May—” hindi naituloy ni Tami ang sasabihin nang yukuin siya ni KG at halikan pa sa kaniyang labi. Bagay na ikinatameme niya. “I’m going,” anito nang bahagya pang ilayo ang mukha kay Tami. Bumalis lalo ang t***k ng puso ni Tami nang pati sa noo niya ay dampian pa ng halik ni KG. What’s with him? At iyong hinihintay niya na pagngisi nito sa kaniya dahil nakaisa ito sa kaniya sa harap ng ibang tao, hindi niya makita rito. Hindi na hinintay pa ni KG na makapagsalita siya dahil tul

