KINABUKASAN, naalimpungatan si Tami dahil sa nakakakiliting halik na gumagapang sa kaniyang pisngi. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nasilayan ng kaniyang paningin ang guwapong mukha ng kaniyang asawa na si KG. “H-hubby,” paos ang tinig na anas niya. “Good morning, wife,” nakangiti pa nitong bati sa kaniya na bahagyang inilayo ang mukha sa kaniya. “Good morning too, hubby,” aniya na pupungas-pungas pa na ibinaling ang tingin sa kinaroroonan ng digital clock na nagsisilbing alarm clock din ni KG sa umaga, na nakapatong sa may bedside table. Alas otso pasado na ng umaga. Kumunot ang noo niya. Bakit naroon pa rin ang kaniyang asawa? Eh, may pasok ito? Nang muling ibalik ni Tami ang tingin kay KG ay saka niya nabistahan ang suot nito na nakasuot pa ng pambahay. Hindi pa rin nalili