IYONG ngiti ni Tami ay walang paglagyan habang nakatitig sa kanilang wedding portrait ni KG na ipinalagay niya sa bandang itaas ng kanilang kama, sa may parteng uluhan. Napakislot siya nang bigla ay may mga brasong pumulupot sa kaniyang baywang mula sa kaniyang likuran. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino iyon dahil alam naman niya na si KG iyon. “Ang ngiti mo,” wika pa nito na hinalikan ang kaniyang balikat. “Naalala ko tuloy noong takluban mo ‘yong una nating wedding portrait kasi ayaw mong makita. You almost freak out that time,” pagbabalik tanaw pa nito sa nakaraan. “Hindi ko na-a-appreciate ang wedding portrait natin noon, hubby. Pero iba ang isang ito ngayon. Dahil kitang-kita sa picture na parehas tayong masaya.” Lumawak lalo ang kaniyang ngiti sa labi habang nakatitig
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books