Chapter 7 Maaga palang ay nagluto na si Cheng na paboritong pagkain ng kanyang best friend. Buong gabi niya kasing iniisip si Ram. Alam niyang hindi naman ganito ang ugali nito at marahil concern lang talaga ito sakanya Isa pa baka hindi ito sanay na may ibang lalakeng malapit sakanya bukod dito. Marahil nag-aadjust pa ito at naging malupit siya kahapon sa mga sinabi niya kay Ram. Sa lahat ng tao dapat ay siya ang nakakaintindi dito at hindi niya dapag ito pinagsalitaan ng masakit na salita. Kaya naman heto siya ngayon sa mansyon upang dalhin ang kanyang nilutong spagetti. Peace offering niya ito kay Ram. Panigurado tulog pa ito dahil araw iyon ng linggo. "Cheng wala diyan si ser, nasa music room siya" Napatigil siya sa pag katok sa pinto ng kwarto ni Ram ng matanaw siya ng isang kat