Chapter 22 "Saan tayo pupunta?" "Secret" Sagot ni Ram habang hawak nito ang kanyang kamay at ang isang kamay naman nito ay nagmamaneho Pagkatapos kasi ng kaniyang klase ng araw na iyon ay sinundo na siya ni Ram sa kaniyang classroom. May pupuntahan daw silang special na lugar. Kaya naman nagtataka si Cheng kung saan ba sila pupunta ni Ram dahil napapalayo na ang kanilang paglalakbay. Nasa high way na sila sa mga oras na iyon. "Baby naman may pasecret secret pa. Bakit ang layo? Baka hanapin nako nila mama--" "I already asked permission to your mom." "Ha? Eh ano namang pina-alam mo kay mama? Baka magtaka na yun si mama--" "Sabi ko mag babasketball tayo" Todo ngising sagot ni Ram sakanya. Namula tuloy ang kanyang mga pisngi. Pinalo niya ng pabiro ang braso ni Ram. "Baby naman? Loko

