Nang sabihin ko sa kaniyang buntis ako ay kaagad siyang nataranta. Hindi niya makontrol ang tuwa niya at mabilis niyang tinawagan ang Mommy at ang Daddy niya. Kinausap niya rin ang mga kapatid ko tungkol sa aking pagbubuntis. Kulang na lang ay ipagsigawan niya sa buong mundo na buntis ako. Lahat naman sila ay natuwa at sabik ng mag-organize ang Mommy niya ng isang baby shower party. "Hindi na yata kailangan 'yon, Yom." Pigil ko sa mga plano nila ng Mommy niya. "Hayaan mo na lang si Mommy. Excited lang siya dahil magkakaapo na siya," malambing niyang tugon habang hinahaplos ang aking tiyan. "Magiging mabait na Daddy ako sa 'yo, baby," mahina niyang bulong at itinapat ang kaniyang bibig sa aking tiyan. Pagkatapos niyang magsalita ay hinalikan niya ang aking tiyan ng puno ng pagm
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books