Nang ihatid na namin si Chad sa huling hantungan niya ay hindi ko na kinaya ang lahat ng sakit. Isa-isang bumali ang lahat ng mga alaala sa aking isipin. Lalo na ang mga panahong masaya kaming dalawa sa isla. Pero bakit ganoon? Bakit hindi ko maintindihan? Maliligayang alaala ang mga iniisip ko pero bakit umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Bakit hanggang ngayon ay may lumalabas pa ring mga luha sa aking mga mata? Sobrang sakit na sa dibdib at kulang ang salitang kirot para ilarawan ko kung gaano ito kasakit para sa akin. Para akong hihimatayin dahil sa nangyari sa kaniya. Ang hirap tanggapin pero nandito na kami sa sitwasyon ito at wala na akong magagawa para baguhin ang mga nangyari. Sa buong araw ay wala akong ginawa kundi samahan si Tita Jerlyn sa sementeryo kung saan na