Nakita kong napamangha si Sir Chad sa ayos ko. Kahit naman siguro ako ay parang hindi makapaniwala na ako ito. Kahit pa sinabi ni Sir Chad kanina na hindi na kailangan na make-up-pan ako ng sobra ay hindi pa rin ako makapaniwala sa transformation ko ngayon. Ilang beses ko nang sinusulyapan ang sarili ko sa salamin pero kanina hanggang ngayon ay hindi ko talaga maipagkakaila na malaki talaga ang pinagkaiba ng hitsura ko. Talagang magaling ang baklang nag-make-up sa akin. "What can you say, Sir Brendon?" maarteng tanong ng beki at itinuro pa ako nito sa dalawa niyang palad mulo ulo hanggang paa. "Pwede na!" tipid nitong sagot at pati ito ay nakabihis na rin. Wala siyang masyadong komento sa suot ko pero alam kong nagustuhan niya ako sa aking ayos. Lagi namang pwede na ang plagi niyang t