Chapter 75 Hindi ko pa man ito nililingon ay kilalang-kilala ko na ang boses niya. Kabisado ko ang lahat sa kaniya kahit na ang kaniyang amoy. Sino ba naman ang hindi siya makikilala? Kahit siguro sa aking panaginip ay tinitiyak kong hinding-hindi ako magkakamali pagdating sa kaniya. "Kent..." mahina kong usal at hindi ako makapaniwala na nandito siya. Bakit nga ba hindi ko inisip na maaaring magkita kami rito dahil nasa iisang mundo lang ang ginagalawan nila ng boss ko. Parang ayaw kong lumingon dahil tiyak na papaulanan niya ako ng mga tanong. Wala siyang kaalam-alam na nagtatrabaho ako kay sa kaibigan niya dahil kapag sonabi niya ay tiyak din akong papatigilin niya ako. Mainit ang dugo niya kay Chad kamakailan lang kaya nagpasya akong 'wag ipaalam sa kaniya. "What, don't you have