"Sige po bukas po ipapasa ko na po ang resignation letter ko," pagbibiro ko sa kaniya. Gusto kong ngitian siya para makumbinsing maayos lang ako pero hindi ko alam kung bakit napipigilan ko ang ngumiti sa harap niya. "Just forget it!" saway niya sa aking sinabi. "Sige na po Sir Chad, at masyado ng gabi." Wala sa sariling pinagtulukan ko na siyang umuwi. Tiningnan ko ang oras sa aking cell phone at gabi na nga. Kailangan na rin naming dalawa na magpahinga, lalo na siya dahil siya ang mas pagod sa amin dahil ang layo pa ng uuwian niya. At kung aalis ito ngayon ay tiyak na hindi agad ito makakauwi dahil sa mabigat na trapik. Tumango siya kahit kitang kita ko sa kaniya na labag sa kalooban niyng iwanan na ako. "Aalis ako kapag nasa loob ka na. Sige na pumasok ka na sa loob." "Sige po, Sir