Napuno ng pag-aalala ang mga mata ni Chad, alam niyang masasaktan ako sa balitang ikakasal kaagad si Kent sa babaeng matagal na niyang hinihintay. Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ko akalain na ganoon lang kabilis dahil ang alam ko ay sa susunod na taon pa. Ngunit ang totoong mas ikinagulat ko ay kung bakit hindi ko alam na kamag-anak pala ni Chad ang isa sa kanila. Hindi ako makapaniwalang hindi ito nabanggit sa akin ni Chad. Maraming pumasok na mga masamang hinala sa aking utak kaya agad-agad ko itong natanong. "Magpinsan kayo ni Kent? Paano'ng naging magpinsan kayo?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. "No!" Mabilis niyang tanggi sa akin at base sa histura niya ay mukhang nagsasabi naman ito sa akin ng totoo. Pero umiling ako dahil sigurado ako sa narinig ko kanina. H