"I always wear my protection. So, no worries!" madamdamin niyang sabi at mukhang iniisip niyang nag-iisip ako na maaring magkasakit siya. "Mali po kayo ng iniisip dahil alam ko namang malinis ang mga ginagalaw mo. Pero 'di po ba kayo nag-aalala na baka magka-isyu rin kayo, tulak ko?" nag-aalala kong tanong ngunit mukhang wala siyang pakialam. Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad matapos niyang guluhin ang buhok ko. Hindi rin niya ako sinagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Ako nga kahit sanay na po akong sabihan ng ibang mga tao na malandi at pokpok pero hanggang ngayon ay apektado pa rin ako. Buong buhay ko ay isang lalaki lang ang pinatulan ko at may matindi akong dahilan. Samantalang sila ay kung sino-sino na lang pero hindi naman pinag-uusapan at sinisiraan,