"Manong, pakibilisan niyo naman po!" sigaw ko sa driver at napansin kong natataranta na rin ito ng dahil sa akin. "Manong, please naman po! May ilalakas pa ba itong takbo mo?!" naiinis kong tanong dahil ang layo pa namin sa katotohanan para makaabot sa hospital. Hindi pa nga kami nangangalahati kung saan ang pinakalapit na hospital mula sa amin. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili na mapagtaasan ito ng aking boses. "Manong, naman!" humihikbi kong wika at pinagpipilitan ko ang gusto ko na humanap siya ng ibang madadaanan upang mapapadali ang pagdating namin sa hospital. "Ma'am Layna, natataranta po ako lalo sa inyo," saway sa akin ng driver at pinagpapawisan na rin. "Pero kailangan niyo pong magmadali!" bulyaw ko dahil sa takot. Pagkatapos kong banggitin ang mga sinabi ko ay naunto